Thursday , June 25 2026

FIBA Asia: Baldwin nais maging underdog ang Gilas

010715 gilas tab baldwin

IGINIIT kahapon ng bagong head coach ng Gilas Pilipinas na si Thomas “Tab” Baldwin na nais niyang maging dehado ang national team sa darating na FIBA Asia Championships sa Tsina sa Setyembre.

Sa panayam ng programang Aksyon Sports ng Radyo Singko 92.3 News FM, sinabi ni Baldwin na kailangan ng Gilas na magkaroon ng underdog na imahe para hindi ito maging biktima ng sobrang pressure mula sa mga kababayan na nais makita ang Pilipinas sa Olympics.

“To get these talented group of players to work as a unit, that is my goal. We want to maintain that underdog mentality. But that will not come easy since there is just one spot (sa Olympics). The window is extremely small and we’ve got to fight with a lot of resolve while also being humble,” wika ni Baldwin.

Ang FIBA Asia sa Tsina ay iba sa ginanap na torneo sa Pilipinas noong 2013 dahil tanging ang kampeon ng torneo ngayong taong ito ay aabante sa 2016 Rio Olympics.

Kasama ang Gilas sa Group A at kabilang din sa grupo ang Palestine at Kuwait.

Katunayan, ang dating import ng Globalport na si Omar Krayem ay inaasahang lalaro para sa Palestine sa torneo.

“The biggest challenge confronting me is the expectations of the players. These are experienced and seasoned players,” ani Baldwin. “I think that now, they’re looking for bigger things but we have to keep that measured. We will be up against more talented and experienced teams. In order to win, we have to beat quality teams in the quarterfinals and semifinals.”

Natuwa si Baldwin sa pahayag ni Andray Blatche ng kanyang pagnanais na muling maglaro sa Gilas.

Nag-average si Blatche ng 22 puntos at 12 rebounds para sa Gilas sa FIBA World Cup sa Espanya noong isang taon.

“What I love about Andray is his enthusiasm and his wanting to play. There has to be an intense desire of the players to be with Gilas. That is my supreme hope. Driven by my players’ desire, no one can stand in our way,” dagdag ni Baldwin.

Muling iginiit ni Baldwin na hindi niya ilalabas ang listahan ng kanyang mga manlalaro na kasama sa national pool dahil hindi pa tapos ang PBA Governors’ Cup at tanging ang liga ang maglalabas ng listahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …