Friday , January 28 2022

Ilang beses sa isang buwan dapat makipagtalik?

Hello Francine,

Is it healthy ba pag palagi kayo nagse-sex tuwing magkikita kayo? Normal lang ba na maging adik ang girlfriend ko sa sex at palagi niya pinaglalaruan si Junior ko kapag magkasama kami? Russian ang girlfriend ko, gusto ko lang sana makahingi ng advice kung paano ko siya masasabayan sa mga gusto niya at ok lang ba makipag-sex araw-araw? Minsan pagod ako hindi ko siya mapagbigyan kaya sumasama ang loob niya. Minsan tuloy naiisip ko na baka ‘yun lang ang gusto niya at hanap saken. Pasensya na sa question ko, nahihiya kasi ako humingi ng advice sa iba.

Salamat,

Mr. EJ

Dear Mr. EJ,

Huwag kang mahiya welcome ang kahit anong tanong saken tungkol sa relasyon, pag-ibig lalong-lalo na ang sex, dahil nga ma-dalas ay nahihiya tayong magtanong parang hindi likas sa ating mga Pinoy na pag-usapan ang usaping ito.

Maraming maiinggit sa problema mo, pero para sagutin ang mga tanong mo ay nag-research ako tungkol sa kung healthy ba sa atin ang palaging makipagtalik? Normal ba na maging adik ang girlfriend mo sa sex? At mahal ka lang ba ng girlfriend dahil naibibigay mo ang gusto niya pero paano kung hindi mo na maibigay dahil napapagod ka na sa araw araw na pakikipagtalik?

Ayon sa aking mga nakalap na impormasyon, ang pakikipagtalik araw-araw ay maraming magandang benepisyo, una na ang pagpapa-tibay ng ating cardiovascular health, mas makaiiwas ang lalaki na nakikipag-sex araw-araw sa atake sa puso kaysa nakikipagtalik isang beses sa isang buwan.

Pinapatibay din nito ang ating immune system kaya bihira ka dapuan ng sakit, nakababawas ng stress, pinagaganda ang blood circulation natin, mas masarap ang tulog mo at nakaka-burn pa ng calories, maganda para sa ating overall fitness.

Tungkol naman sa katanungan mo kung sex addict na ba ang GF mo? Sa totoo lang wala ‘yan sa lahi, kahit anong lahi ka pa kung mahilig ka sa sex talagang mahilig ka. Ang tawag dito ng mga psychiatrists ay “Hypersexuality” at hindi pa ito recognized as mental illness, alam naman na natin na anumang bagay na ginagawa mo nang sobra ay masama na, gaya rin sa sex.

Sa tingin ko ang kaila-ngan ninyong dalawa ay magkaroon ng balance sa relasyon ninyo, mag-heart to heart talk kayo. Bukod sa sex ay dapat gumawa kayo ng other activities like mag-travel kayo, mag-hiking, mag-relax sa beach o kaya ma-ging bata sa amusement park nang sa ganoon ay mas lalo ninyong ma-enjoy ang company ng bawat isa at hindi lang palagi ka-yong nasa kama.

Stay happy and In Love!

Love,

Francine

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

TRY ME – Francine Prieto

About Francine Prieto

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply