Tuesday , October 8 2024

Sobrang init ng panahon at ang Aldub ng District 3

ANG SOBRANG init ng panahon dulot ng El Nino phenomenon ang labis na pinangangambahan ng mga horse owners ngayon.

Nais nilang dalhin muna sa kanilang farms sa Batangas o ibakasyon muna at hindi patakbuhin sa mga karera ang kanilang mga kabayo dahil nga sa sobrang init na nararamdaman ng mga ito.

Nag-iisip ngayon ang mga horse owners kung saan magandang kuwadra ilalagay ang kanilang mga kabayo.

Kung hindi naman nila patatakbuhin ang mga ito sa aktuwal na karera ay mawawalan ang mga ito ng pagkakataon na  kumita para sa mga gastusin.

Dapat pag-aralan mabuti ng mga may kinalaman sa Horse Racing Industry ang ganitong sitwasyon na sobrang init na dumarating.

oOo

Nagpapasalamat ang president ng Karera Station of the Philippines (KASAPI) na si Ginoong Nicson Cruz sa suportang ibinigay ng Philracom at ang Bayang Karerista sa kanilang 1st KASAPI Benefit Sunday Fest na humataw sa pista ng Metro Turf Club noong Marso 20,2016.

Sa mga nagbigay ng sponsor,  malaking tulong ito para sa mga opisyal at miyembro ng samahang KASAPI.

Noong araw din yun binitawan ang 2016 Philracom 3YO Local Fillies &Colts Stakes Race. Dito nagwagi ang kabayong Space Needle na nirendahan ng premyadong hinete na si Jeffrey T. Zarate.

oOo

Laganap pa rin ang “PISONET” at VIDEO KARERA sa Brgy. 704, Zone 77 na nasasakupan ni Barangay Chairwoman Virgie Elizan.

Ang “PISONET” at VIDEO KARERA ay pinapatakbo umano ng isang nangangalang Voltaire Valdez na malakas daw ito sa mga otoridad dahil malaki daw ito maghatag ng “TONG.”

Mga Kabataang nag-aaral ang mga nagiging biktima ng Video Karera at ito ay nirereklamo ng mga magulang na sana ay mahinto na ito at hulihin ng mga pulis.

BAKIT HINDI ITO MAPAHINTO?  Totoo ban a malaki ang   TONG nito sa mga pulis?

oOo

Si Ginoong RJ Yuseco, isa sa mga tatakbong Konsehal ng District 3, Manila ang siyang tinaguriang  ALDUB ng District 3 dahil magandang lalaki siya at tipong mabait.

Bata pa siya ay pangarap na niyang maging isang malinis na politico at handang  tumulong sa kanyang mga nasasakupan.

Sa ngayon ay maraming magagandang proyekto ang balak gawin ni RJ Yuseco para sa kanyang distrito kung sakaling mahalal na konsehal.

Tulong sa mga “SENIOR CITIZENS” at sa KABATAAN ang unang gagawin niya. Benebisyo para sa mga Senior Citizens at pag-aaral para sa mga kabataan.

oOo

Binabati natin   ng Happy Birthday sina Von Marquez, Ferdie Alvarez, Bong Cavinta at Precilla Alvarez ng Sampaloc. Nag-celebrate sila ng kanilang kaarawan noong Mahal na Araw.

Belated Happy Birthday to Ross Cavinta and Ms. Audrey Indefenso.

DEAD HEAT – Freddie M. Mañalac

About Freddie Mañalac

Check Also

PH Shooting Team kumpiyansa sa SEASA Championships

PH Shooting Team kumpiyansa sa SEASA Championships

MASUSUKAT ang kahandaan ng mga Pinoy shooters sa kanilang pagsabak sa 46th Southeast Asian Shooting …

100224 PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

SASABAK ang Philippine Under-22 water polo team  sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships …

Andrew Kim Remolino Erika Nicole Burgos National Age Group Aquathlon

Remolino, Burgos wagi sa National Age Group Aquathlon

SI Andrew Kim Remolino ay muling naipagtanggol ang titulong men’s elite sa National Age Group …

Southeast Asian Open Short Track Speed Skating Trophy Manila Series 2024

Sa Mall of Asia  
Southeast Asian Open Short Track Speed Skating Trophy Manila Series 2024 nagsimula na

PORMAL na nagsimula ang Southeast Asian Open Short Track Speed Skating Trophy-Manila Series 2024 sa …

Shakeys Super League Collegiate Pre-season Championship inilunsad

Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship inilunsad

PORMAL na inilunsad ang ikatlong edisyon ng Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship sa ginanap …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *