Saturday , July 27 2024

PCSO National Grand Derby

00 dead heatNATATAKA at nagtatanong ang Bayang Karerista kung ano raw ba ang ibig sabihin ng “Under Investigation” sa isang hinete na nakikita sa TV monitor?

Ito ba ay papatawan ng parusang suspensiyon tapos maimbestigahan ng mga inuukulan. Bakit daw puro “Under Investigation” na lang ang napapanood ng Bayang Karerista at walang resulta kung ano talaga ang nangyari?

Hindi magiging “Under Investigation” ang isang hinete kung wala itong ginawang “Katarantaduhan” sa ibabaw ng kanyang sakay na kabayo.

Dapat malaman ng Bayang Karerista ang resulta na sinasabi ninyo na “Under Investigation” ang isang hinete.

Iyon ay kung may magandang balita sa isang hinete na “Under Investigation…”

DI WOW!

oOo

Isang masugid na mambabasa ng Hataw ang nagpadala ng kanyang text message sa ating kolum tungkol sa palpak na BID ni MVP sa FIBA sa Tokyo, Japan.

Ito ang nilalaman ng kanyang text… We don’t have any china man’s chance against the Mighty China in Fiba bid in Tokyo,  Japan.

No effect yung  Puso campaign ni MVP. Mighty mouse ln tayo compare sa giant China. In terms of what we can offer to Fiba. Waste of money and face ang Phil delegation.

Nadamay pa si pacman.

The point is sayang yung  perang  ginastos sa palpak na bidding. Dapat binigay na lang  sa mga walang  pondo or kulang sa pondo ng  training ng mga deserving athletes of different  sports.

Palpak yung  puso campaign ng SBP ni MVP…hindi puwedeng  panay puso lang.

Wala tayong  chance to beat China in that Fiba bidding held in Tokyo, Japan…nag-atrasan na nga yung  other countries nang malamang  china is bidding.

Binola lang ng mga alipores niya si MVP at sinabi…we have a strong chance to beat China in bidding. Tambak score 14 – 7.

It’s a big shame…dinala pa si Pacquiao at yung Hollywood actor…palpak alipores ni MVP.   Binilog lang ulo niya.

oOo

Abangan po natin Bayang Karerista ang malalaking pakarera ng Philippine Racing Commission sa buwan ng Agosto.

Sa darating na linggo, Agosto 16, dalawang malaking karera ang mapapanood sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang PCSO National Grand Derby at 2015 Philracom George Y. Srtribling Memorial Stakes Race.

Suportahan natin ang karerang  ito!

Dead Heat – Freddie M.

Mañalac

About Freddie Mañalac

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *