Tuesday , March 18 2025

Kia, RoS makakakuha ng “winner”

061915 PBA rookie draftHINDI na siguro magbabago pa ang isipan ng mga taga-Talk N Text sa pagkuha sa Fil-Tongan na si Moala Tautuaa bilang number One pick sa darating na 2015 PBA Rookie Draft na magaganap sa Agosto 23 sa Robinson’s Place Manila.

Ito ay kahit na lumahok pa sa Draft si Bobby Ray Parks.

Sa pananaw ng mga basketball scouts, si Tautuaa ang”dabes” sa mga nagsipag-apply sa Draft.

Siya rin naman ang naging No. 1 pick sa nakaraang PBA D-League Draft kung saan kinuha siya ng Cagayan Valley Rising Suns bago nalipat sa Cebuana Lhuillier.

Sayang nga lang at bilang manlalaro sa D-League ay hindi nakatikim ng kampeonato si Tautuaa. Sa dalawang conferences ay natalo ang kanyang koponan sa Hapee Toothpaste sa magkahiwalay na serye.

Well, yamang sigurado na si Tautuaa bilang No. 1 pick, nakatuon ang pansin ng karamihan sa kung sino ang magiging No. 2.

Hawak ng Kia ang No. 2 pick at mamimili ito kina Norbert Torres at Troy Rosario na kapwa miyembro ng RP team na nagkampeon sa huling Southeast Asian Games basketball competition. Parehong big men sina Torres at Rosario.

Kung sino ang hindi kukunin ng Kia ay kukuning tiyak ng Rain Or Shine na pipili sa No. 3.

Sinuman sa dalawang ito ay tiyak na makapagbibigay ng magandang impact sa koponang masasalihan nila.

Ang dalawang manlalarong ito ay mga champions noong nasa kolehiyo pa sila. Si Torres ay kabilang sa La Salle Green Archers na nagkampeon noong 2013 samantalang si Rosario ay miyembro ng National University Bulldogs na nagkampeon noong nakaraang taon. Bukod dito ay miyembro si Rosario ng Hapee Toothpaste na nagwagi sa Aspirants Cup.

So, may winning tradition ang dalawang ito. Hindi tulad ni Tautuaa na hindi pa nagkampeon.

Kaya naman masasabing masuwerte na rin ang Kia at Rain Or Shine dahil tiyak na makakakuha sila ng ‘winner!’

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Arra Corpuz WuNa Team Philippines

WuNa Team Philippines kumolekta ng 45 golds sa Hong Kong wushu tourney

Tila nasa alapaap pa rin ang Wushu Arena Quezon City (WuNa Team Philippines) matapos mapanalunan …

Buhain PAI Swim

PAI youth swimming program sa Southern Tagalog tampok sa Buhain Cup

MAHIGIT 300 swimmers mula sa mga inimbitahang paaralan, member club, at local government units (LGUs) …

SM Active Hub 1

30,000 katao sinalubong ang launch ng SM Active Hub
Pinakamalaking sports playground sa Pinas, sinimulan sa pickleball at running.

Opisyal nang inilunsad ng SM Supermalls ang SM Active Hub, ang pinakamalaking sports experience sa …

ArenaPlus PBA Feat

ArenaPlus presents PBA 49th Season Commissioner’s Cup Finals presscon

ArenaPlus, PBA concluding the 49th Season Commissioner’s Cup Finals press conference with a group photo. …

Caelan Tiongson BINI Aiah Arceta

BINI Aiah at PBA cager Caelan lumalalim ang friendship

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang PBA cager na si Caelan Tiongson para kay BINI member Aiah. Nahati …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *