Monday , December 23 2024

Direk Jason, inspirasyon ang pagtulong sa indie bands

READ: Pagbabago sa rules ng PPP, inasahan na ni Arguelles
READ: Perla, Menggie at Dante, ‘‘di nagpahuli’ sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
READ: Drug free Bulacan, drug free showbiz, pangarap ni VG Fernando

HINDI na dapat pagtakahan kung naiibang musical movie ang pelikulang handog ni Direk Jason Paul Laxamana, ang Bakwit Boys na handog ng T-Rex Entertainment, isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimulang mapanood sa Agosto 15.

Bagamat hindi singer si Direk Jason, o marunong tumugtog ng musical instrument, aniya, mahilig siya sa musika.

Paano’y ang pagtulong sa mga independent bands ang pinagkaabalahan niya bago pa siya naging magaling na director.

Kuwento ni Direk Jason sa grand presscon ng Bakwit Boys sa Limbaga 77 Café, ”Hindi po ako singer o wala akong alam tugtugin na musical instrument pero mahilig po ako talaga sa music.

“Gaya ng sinasabi ko rati about 10 years ago ang pinagkakaabalahan ko sa probinsiya namin sa Pampanga ay tinutulungan ko itong mga banda, independent Kapampangan bands para iprodyus ang mga kanta nila.

“Minsan ako ang humahanap ng funding para sa studio recording nila ng mga awitin nila. Ako ang nagdidirehe ng music video nila na inilalagay ko sa ‘MYX,’ ‘MTV Pilipinas’.

“Ganoon po kaimportante ang music sa akin pati po iyong mga musician.”

Paniwala kasi ni Direk Jason, mayroon healing factor ang musika. ”At saka parang mas nakikinig ang tao sa music kaysa sabihin lang ng diretso.

“So bilang cultured worker noong time na iyon ginagamit ko ang musika para I-promote ang kultura at ang salitang Kapampangan sa amin sa lalawigan namin.

“Ginamit ko siya as medium para maging popularize ‘yung lengguwahe at saka kultura namin sa mga kabataan.”

Kaya naman ang indie bands ang naging inspirasyon ni Direk sa paggawa ng Bakwit Boys.

Ang Bakwit Boys na isang romantic musical film ay ukol sa apat na magkakapatid—Vance Larena, Nikko Natividad, Mackie Empuerto, at Ryle Santiago na nagpakita sa kanilang pagpupunyagi matapos salantain ng bagyo ang kanilang lugar sa Isabela. Nagtungo sila sa lugar ng kanilang lolo, na roon nakilala ang isang mayamang city girl (Devon Seron) na nakadiskubre ng kanilang musical talent at tumulong para makamit ang matagal na nilang pangarap na maging matagumpay sa larangan ng musika.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *