MALI ang hula ng marami na decoration lang ang ex beauty queen na si Bianca Manalo sa seryeng .
Akala nila girlfriend lang ni Jhong Hilario si Bubbles (Bianca) pero marami ang ginulat niya nang gumawa ng kabayanihan noong unahan ang grupo ni Jhong para sabihan si Minnie Aguilar at mga kasamahan na lulusubin ang mga Vendetta.
Finally, gumalaw din sa wakas ang papel ni Bianca at naging dahilan para makatakbo sina Lito Lapid, Angel Aquino, Mark Lapid at iba pa.
Maganda ang ending part ng serye dahil maaksiyon at hindi nakakaantok Mistulang pelikula ang serye, barakong-barako ang mga eksena.
Malaki ang pasasalamat kay Direk Toto Natividad, Val Iglesia, at Rey Solo at higit sa lahat kina Lito at Coco, ibang klase talaga ang serye. Hindi nila pinabayaang tumamlay ang pagsasagupaan ng Vendetta at ng grupo ni Jhong.
Walang makapagsasabi kung paanong tutuldukan ang action-serye ng Kapamilya.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales