Sunday , November 17 2024

Mocha, kapit-tuko sa puwesto

SA kabila ng nakabibinging panawagan na magbitiw na siya sa kanyang puwesto ay mukhang malabo itong gawin ni PCOO ASec Mocha Uson.

Obviously, bunsod ito ng paraan ng kanyang info drive tungkol sa pederalismo sa pamamagitan ng kanyang online game show. Tinuligsa ang “pepe-dede-ralismo” campaign nila ng blogger na si Andrew Oliver.

Mga kaalyado na rin ng Duterte administration ang nagsalita. Maging ang mga senador ay lantarang binatikos ang pambababoy ni Mocha sa isa pa manding maselan at seryosong usapin.

Layas!” ang mariin nilang sigaw kay Mocha na sa halip na maging asset sa gobyerno ay maituturing na isang liability.

Matagal na ang panawagang ito even before her online campaign drive. Sapat na ang pagpapalaganap niya ng mga pekeng balita at—ipagpaumanhin n’yo—ang serye ng mga kabobohang nagdudulot lang ng kahihiyan kay Juan de la Cruz.

Pero sadya yatang kapalmuks si Mocha. Wala kasi ni sa kanyang hinagap na pasayahin ang mga taong gusto siyang bumaba sa puwesto.

Kapit-tuko pa rin siya sa puwesto.

Nasaan ang delicadeza ng hitad na ito? For sure, nasa talampakan niya ito na siya mismo ang nakatapak.

Kung kami kay Mocha ay tutularan namin ang ilang nasa gabinete ni Pangulong Digong.

Nariyan si dating DOJ Vitaliano Aguirre na hindi na nagmatigas nang paulanan ng mga batikos tungkol sa mga umano’y bigtime drug lord na napawalang-sala.

Nariyan din si dating Tourism Secretary na si Wanda Teo at tauhan nitong si Cesar Montano na boluntaryong nag-resign bunsod ng mga umano’y katiwalian sa kanilang ahensiya.

Pero dahil kapalmuks nga ang dating malaswang entertainer, ang napipintong pagbibitiw niya ay mukhang mananatiling isang panaginip lang. Asa pa tayo?

Pero sa amin, yaman din lang na in-appoint lang siya ni Pangulong Duterte ay ito rin ang may kapangyarihang magpatalsik kay Mocha.

Opo, mahal na President, kayo at tanging kayo lang ang makapangyayari nito dahil ang mga katsipang pinaggagagawa ng inyong itinalaga sa puwesto—gayong hindi naman ito karapat-dapat at kuwalipikado—ay isang malaking batik sa inyong pamunuan sampu ng inyong mga kaalyado.

Tama na ang katsipan. Sobra na ang kababuyan. Palitan na si Mocha Uson.

Now na, utang na loob!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *