READ: Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas
READ: Quezon City, all out ang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino
ANG Grand Fans Day ng PPP ay gaganapin sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle sa Agosto 11. Ito ay binansagang Pista at the Park Grand Fans Day and All Star Caravan at ang selebrasyon ay sisimulan ng isang float parade mula Amoranto papuntang Timog Area, Maginhawa, at QMC.
Ang fans ay magkakaroon ng pagkakataong ma-meet-and-greet ang mga artista mula sa walong mga pelikula.
Magkakaroon din ng palarong Pinoy, cultural presentations at food bazaar.
Ang Pista at the Park ay libre para sa sinumang gustong pumunta.
“We are inviting food sellers from Maginhawa to take part in the food bazaar at the Grand Fans Day so that we can also promote food unique to Quezon City for the supporters and viewers of PPP,” ni Belmonte.
Samantala, ang Opening Night ng PPP sa Agosto 14 ay gaganapin din sa lungsod Quezon.
Magkakaroon din ng Film Industry Conference sa Agosto 17 at 18 na idaraos sa Novotel Araneta Center.
Ipinahayag naman ni FDCP Chair Liza ang kanyang pasasalamat para sa support sa Quezon City Government sa pangunguna ni dynamic at passionate VM Joy at Quezon City Film Development Commission Executive Director Ed Lejano.
“The city’s direction to be the film capital of the Philippines is on point. Their active pursuits are certainly inspiring,” dagdag pa niya.
Mula pa noong 2013, patuloy na sinusuportahan ng local na pamahalaan ang QCinema International Film Festival na nagtatampok ng mga pelikula mula sa mga bago at batang filmmakers. Para sa taong ito, ang QCinema 2018 ay gaganapin simula Oktubre 21 hangggang Oktubre 30, 2018.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio