Saturday , April 20 2024

Marion Aunor, patuloy sa paghataw sa music scene!

READ: Aitakatta-Gustong Makita debut single ng MNL48, mapapakinggan na!

KASALUKUYANG humahataw sa takilya ang The Day After Valentine’s. Ito ang entry nina Bela Padilla at JC Santos sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na mapapanood hanggang August 21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

Maganda ang pelikulang ito ni Direk Jason Paul Laxamana, na mas lalo pang gumanda sa theme song nitong Akala na si Marion Aunor ang kumanta at nagsulat.

Swak na swak ang nilik­hang kantang ito ni Marion, pati na ang rendition niya sa peli­kulang ito nina Bela at JC.

Unang dinig pa lang namin sa Akala ay sinabi na agad namin kay Marion na may bagong winner na naman siyang nilikha.

Sa panayam namin kay Marion recently, nala­man namin na pati si Xian Lim ay ginawan din niya ng kanta. Pinama­gatan itong Heto Na, na magkakaroon ng laun­ching sa August 17 at magiging available sa digital stores.

Inusisa namin siya kung paano ide-des­cribe ang kantang Heto Na?

Wika ni Marion, “It’s about finding love after giving up on love. So, parang gigisingin na niya ulit ‘yung puso niya dahil nahanap na niya ‘yung tamang person na para sa kanya.”

Ano ang masasabi niya kay Xian? “Very talented po si Xian and very down to earth during the whole process,” nakangiting saad ni Marion.

Nalaman din namin sa kanya na sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez ang wish niyang susunod na magawan ng kanta.

Ipinaliwanag ni Marion kung bakit, “I admire them both. Si Ms. Regine, since grade school pa lang ako fan na po ako. Si Ms. Sa­rah naman po parang Be­yonce ng Philippines. Ang galing po niya and ang pag-evolve ng music niya.”

So, mag-e-effort o magla­laan ka ba ng time para magawan mo ng kanta sina Sarah and Regine?

“Kung mabibigyan po ng opportunity siyempre po mag-effort po ako para makasulat ng best song that I can for them. Siguro po, kung meant to be na­man po iyon, mangyayari po iyan,” masayang saad ng talen­ted na singer/songwriter.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *