Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Okada ididiin sa asunto

SUPORTADO ng Uni­ver­sal Entertainment Corporation (UEC) ang Independent Commission Against Corruption (ICAC) ng Hong Kong sa imbestigasyon at prose­kusyon laban kay Japa­nese gaming mogul Kazuo Okada na napaulat na inaresto sa Chinese ter­ritory noong isang linggo.

Ang Universal ay nangungunang Japanese manufacturer ng pachin­ko, slot machines, arcade games at iba pang game products at publisher din ng video games na may subsidiary sa Estados Unidos at Filipinas.

Si Okada ay dating chairman ng UEC board hanggang noong Hunyo 2017.

“We will render our full support and assist­ance to the ICAC and other law enforcement authorities should the situation require,”  paha­yag ng Universal sa Tokyo stock exchange nitong 6 Agosto.

Nabatid ng UEC mula sa Hong Kong authorities na si Okada ay inaresto ng ICAC bunsod ng mga kaso na may kaugnayan sa katiwalian.

Gayonman, nakalaya ito makaraang magpi­yan­sa.

“Mr. Okada is cur­rently released subject to bail conditions imposed on him by the ICAC,” a­yon sa pahayag ng Uni­versal.

Ang pag-aresto kay Okada sa Hong Kong ay napaulat sa tabloid na Headline Daily at sa Chinese online publi­cations. Batay sa report, si O­ka­da ay inaresto ng aw­toridad noong isang linggo kasama ang isang Li Jian na umano’y kani­yang kasabwat para loko­hin ang Okada Holdings ng 135 milyong yuan o katumbas na US$19.7 milyon.

Si Li Jian, director ng New Games Corporation, ay binigyan umano ng isang milyong yuan ni Okada, ayon sa mga news report.

Ang ICAC ay nag-iimbestiga sa mga cor­ruption cases ng mga public official gayondin sa private individuals sa Hong Kong na sangkot sa katiwalian.

Si Okada na dating chief executive officer ng Okada Manila na pag-aari ng Tiger Resort Lei­sure and Entertainment Inc., (TRLEI)  ay nahaha­rap sa iba’t ibang estafa cases sa Filipinas dahil sa sinabing pandarambong ng US$10 milyong pondo ng kompanya.

Ang kasong embez­zle­ment ay isinampa ng majority shareholders ng TRLEI na nakabinbin pa sa Department of Justice.

Nakiusap ang TRLEI sa DOJ na ibasura ang naunang resolutions ni Parañaque City Pro­secutor Amerhassan Pau­dac na nag-leak sa social media.

Batay sa leakage, nagkaroon ng “wrongful disposition and resolu­tion” sa mga kaso na nagsasabing may nilabag sa batas ang naging desisyon.

“The leakage not only violated pertinent laws on public officers but also seriously damaged the credibility, independence, and integrity of the assailed resolutions as well as of the Office of the City Prosecutor,” ayon sa TRLEI.

Dahil sa nasabing kontrobersiyal na leaked resolutions, ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang sirkumstansiya na umuugnay sa leakage ng dalawang resolutions na inisyu ni Paudac. Ang mga kasong estafa ay nakabinbin ngayon sa DOJ.

Isa sa estafa case ang illegal disbursement ni Oka­da ng company funds na nagkakahalaga ng US$3.1 milyon na itinuring na consultancy fees and salaries sa pama­magitan ng kanyang kasabwat na si Takahiro Usui, ang dating TRLEI president.

Paglilinaw ng TRLEI, ang nasabing disburse­ment ay hindi awtorisado.

Ang isa pang estafa case ay sangkot ang US$7-milyon na supply contract ng light emitting diode (LED) fixtures sa Okada Manila na ang naging supplier ay  kom­panya mismo ni Okada na  Aruze Philip­pines Manu­facturing Inc. (APMI) at ang kasabwat naman ay ang close associate ng Japanese tycoon na si  Kengo Ta­keda, dating Chief Tech­nology Officer ng TRLEI.

                       (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …