Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Devon, ‘inilaglag’ ng handler

READ: Rayantha Leigh, pang-inter­­national na
READ: Nadine, ‘iniwan’ na si James

HUMIHINGI ng paumanhin ang bagong Kapuso star na si Devon Seron sa ‘di pagsipot sa isang presscon ng Bakwit Boys kamakailan na maraming press ang naghintay sa pagdating nito.

Ang Bakwit Boys ay  entry ng T-Rex Productions sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino at magsisimula sa August 15 sa mga sinehan.

Kuwento ni Devon sa Grand Presscon ng Bakwit Boys last Aug. 7 na ginanap sa Limbaga 77 Restaurant, “Oh My Gosh! Unang-una, I want to apologize sa mga naperhuwisyo that time (July 12).

Actually, miscommunication po siya and misunderstanding sa handler and sa production.

“Alam po ng handler ko na hindi ako makakapunta, pero nag-confirm siya na pupunta ako.

Pero that time kasi nasa shooting ako ng short film (A Man of My Life) with Kiko Estrada.

“Nalaman ko na lang kay Direk (Jason Paul Laxamana), good thing na hindi naman nagalit sa akin si Direk and the productions, naintindihan naman nila ako,

Kaya naman sobrang gusto kong mag-apologize sa lahat sa nangyari.

“Hindi ko naman po intensiyon na hindi makasipot, kaya I’m really really very sorry sa nangyari.

“At saka first time na nangyari ‘yung ganito sa akin.

Ako kasi if may natanguan ako, sisiguraduhin ko na makaka-attend ako.

“Hopefullly, na maging maayos kasi hindi ko naman po alam kasi. “

Imbes nga na protektahan ito ng kanyang handler ay ito pa ang naglaglag sa kanyang alaga kaya napagdiskitahan ng mga press.

Ni hindi nga nag-sorry ang nasabing handler bagkus ay deadma lang kahit marami ang bumatikos at nainis sa kanyang alaga.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …