READ: Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan
READ: Sa ‘pepe-dede ralismo’ video: Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo
NAGPAHAYAG ang mga senador ng kanilang pagkadesmaya kay Communications Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa lumabas na video sa social media na para magpakalat ng impormasyon tungkol sa isinusulong na federalismo ng pamahalaan.
Makaraan sabihin ni Senador Panfilo Lacson noong nakaraang linggo na hinihintay na lang ang ‘cremation’ ng Charter change at federalismo sa Senado, sinabi niya nitong Lunes na dapat itapon sa malayo ang ‘abo’ nito dahil kay Uson.
“Without Mocha Uson, federalism is already dead and awaiting cremation at the Senate. With Mocha Uson, the ashes should be thrown far, far away from the Philippines’ 7,107 beautiful islands,” saad ng senador sa text message.
Habang tinawag ni Sen. Francis Escudero na bastos ang naturang video na desperadong makaku-ha umano ng atensiyon.
“It is downright vulgar and has no place in the public discourse on such an important issue as THEIR proposed shift to federalism & Charter change!” pahayag niya.
Insulto umano sa publiko ang laman ng video, ayon kay Sen. Joel Villanueva.
“This is not the kind of public information materials we expect from a government agency and a government official. She is way out of her league to discuss federalism,” aniya.
Habang umaasa si Sen. Joseph Victor Ejercito na hindi na mauulit ang naturang video.
Ayon kay Senate Mi-nority Leader Francis Pa-ngilinan, bastos at hindi serbisyo sa publiko ang ginawa ni Uson at kasama niyang blogger na si Drew Olivar.
“Kababuyan at kalaswaan ang tawag sa ginagawa nila at hindi public service. Ang pambabastos at pambababoy ng isang assistant secretary ay ‘di dapat pinalalampas ng administrasyon,” giit ni Pangilinan.
Dapat din umanong magpaliwanag si Presidential Communications Operations Office chief Martin Andanar sa naturang insidente dahil nasa ilalim ng kaniyang pamamahala si Uson.
“Dapat magpaliwanag si Secretary Andanar sa mga kalaswaan at kababuyan na nangyayari sa kanyang tanggapan na ginagawa ng mga tauhan niya gamit ang pondo, oras at kagamitan ng gobyerno,” aniya.
Para kay Sen. Nancy Binay, hindi dapat gawing katatawan ang pagpapaliwanag sa isyu ng federalismo.
“Sa totoo lang, even the most educated university professor finds federalism as a complicated subject. Nakalulungkot that the seriousness of the discourse has been downgraded to the lowest of forms,” paliwanag ng senador.
“I can’t emphasize enough how important the messenger relays the message. With what we all saw in the video, I think we can all agree that the message and the messenger matter,” dagdag niya.
Maging sina Senate President Tito Sotto at dating Senate President Aquilino Pimentel III, ay hindi rin natuwa sa naturang video ni Uson.
“[T]heatrical techniques will not work to explain a very serious and high falluting issue such as Federalism!” anang lider ng Senado.
Sabi ni Pimentel, “Di ko lubos akalain na bababuyin pala nila ang kawsa ng Federalismo. Ilayo na si Mocha sa Federalismo. Mag-aral muna siya nang mabuti. Mag-leave muna siya.”