READ: Senado desmayado kay Mocha
READ: Sa ‘pepe-dede ralismo’ video: Mocha Uson tuluyang ‘itinatwa’ ng Palasyo
HINIKAYAT ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na aksiyonan ang malaswang video ni Asec. Mocha Uson at ng kanyang co-host sa social media na tila binababoy ang Federalismo.
Sinabi ni Sotto, maaari namang hindi na idaan sa biro o commercial ang pagpapaliwanag ng Federalismo sa taong bayan.
Aniya, kung biro man iyon ni Mocha, hindi ito dapat na isinapubliko dahil hindi makatutulong sa information campaign ng gobyerno ukol sa pagsusulong ng Federalismo.
Aminado si Sotto na maging siya ay ilang oras na binabasa ang Con-Com report na isinumite sa Senado at ang briefing ng PDP-Laban kung kaya’t dapat seryosohin ito at hindi idaan sa biro na nakikita ng publiko.
Nauna rito, binatikos ng netizens ang kontrobersiyal na video ni Asec Uson makaraan idaan sa malaswang kanta at sayaw ang Federalismo.
(CYNTHIA MARTIN)