Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Miyembro ng criminal group tigbak sa parak

BIÑAN CITY – Patay ang isang lalaking uma­no’y miyembro ng criminal group nang manlaban makaraan ihain sa kanya ang search warrant sa lung­sod na ito, nitong Mar­tes ng gabi.

Aktong ihahain ng mga pulis ang search warrant laban kay Rolando Bugarin nang nanlaban umano at nakipagbarilan sa mga pulis.

Ayon sa pulisya, sa Laguna nagtago si Buga­rin na isa umanong mi­yem­bro ng “Pogi Criminal Group.” May report na sangkot siya sa iba pang krimen sa Ilocos region.

Lumalabas sa record ng pulisya na kasama si Bugarin sa drug watchlist sa lungsod na naging basehan ng paghahain ng search warrant.

Ayon kay S/Supt. Kirby John Kraft, dawit sa robbery holdup at pagtutulak ng droga ang grupong kinabi­bilangan umano ng suspek.

Mayroon din uma­nong mga miyembrong gun-for-hire ang grupo.

Nakuha sa lugar ang ilang sachet ng hini­hinalang shabu at ang baril na ginamit umano ni Bugarin.

(BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …