Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Utol ng chairman at police chief nasakote sa Iligan City

NADAKIP sa isinaga­wang buy-bust ope­ration ang isang high-value target sa Iligan City, nitong Sabado.

Ang suspek ay kini­la­lang si Antonio Quiros Anduyan Jr., alyas Zuye.

Ang suspek ay na­da­kip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 10 sa Purok 8, Brgy. Tibanga, Iligan City, 6:30 ng gabi.

Ayon kay PDEA Region 10 Regional Direct­or Wilkins Villa­nueva, ang suspek ay no. 2 sa watchlist ng Iligan City.

Nakompiska sa suspek ang anim piraso ng heat-sealed trans­parent plastic sachets na may lamang 10 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang P70,000 ang halaga. Narekober din mula sa suspek ang dala­wang P1,000 bill.

Kuwento ng mga kaa­nak ng suspek, nagulat sila nang hinalungkat ng mga taga-PDEA ang la­hat ng gamit sa bahay nila nang hindi nila alam ang dahilan.

Kagaya ng mga ka­pit­bahay nila, hindi rin daw nila alam kung ano ang nangyari sa loob dahil lahat sila ay tu­makbo sa takot.

Ang suspek ay wala raw trabaho sa ngayon at kapatid siya nina Barangay Captain Ca­milo Anduyan at Police Chief Supt. Rolando Anduyan.

Sa ngayon, hawak ng PDEA Region 10 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002).

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …