Saturday , November 16 2024

Robredo panalo

TINAPOS na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga agam-agam tungkol sa shading threshold na pinagdedebatehan sa nangya­yaring manual recount, nang iginiit nito na 25% ang minimum shade na tinatanggap ng mga makina noong nakaraang eleksyon.

Sa komento na isinumite sa Presidential Electoral Tribunal (PET), sinabi ng Comelec na ini-set nila sa 25% threshold noong 2016 elections upang siguruhin na hindi masasayang ang mga boto dahil sa “inadequate shading” habang pinipi­gilan ang pagtanggap ng mga vote counting machines (VCMs) sa “accidental or unintended small marks” na maaa­ring makita sa balota.

Ayon sa Comelec, nag-set sila ng threshold percentage upang pabi­lisin ang proseso ng pagboto — bilang aral sa karanasan noong 2010 elections, na ibinabalik pa sa mga botante ang kani­lang balota kapag ini-reject ito ng VCM dahil sa inadequate shading.

Para sa ahensiya, da­pat obserbahan ng PET ang 25% threshold dahil ito ang nagsilbing base­han ng pagdedeklara ng lahat ng nanalo sa national at local elections noong 2016.

Iginiit din na gaya ng PET, mayroon din silang “constitutional power” bilang tagapamuno ng halalan, upang magde­sisyon tungkol sa lahat ng mga isyung pang-elek­syon.

Pinagsumite ng PET ang Comelec ng sarili nitong comment tungkol sa mosyon ng kampo ni Vice President Leni Ro­bredo para sa 25% thres­hold, matapos pumanig ng Office of the Solicitor General — ang dapat na abogado ng ahensiya — sa paggamit ng lumang 50% threshold sa manual recount, para sa protes­tang inihain ni Bongbong Marcos.

Matapos ilabas ang nasabing Comment, nag-akusa si Marcos spokes­man Vic Rodriguez ng ‘conspiracy’ sa pagitan ng Comelec at ng kampo ng Bise Presidente.

Ayon sa kaniya, ini-set ang 25% threshold matapos ang eleksiyon upang paboran ang argu­mento ni Robredo.

Pinabulaanan naman ito ng kampo ng Bise Pre­sidente, na nagsabing katawa-tawa ang patuloy na pagsisinungaling ni Rodriguez, sa pagtatang­kang baliin ang katoto­hanang natalo si Marcos noong eleksiyon.

Ayon kay Robredo, hindi totoo ang inaaku­sang “conspiracy” ni Ro­driguez, at sinabing February 2016 pa lamang ay naiulat na ang desisyon ng Comelec na ibaba ang threshold ng VCMs — ilang buwan bago mag-eleksiyon.

Iginiit rin ng Bise Presidente ang panawa­gan na kilalanin ang pa­mantayan na ginamit noong eleksiyon sa nang­yayaring recount, dahil “ang Comelec, na nagpa­takbo ng eleksiyon ang nagsabi na ang thres­hold na ginamit nila ay 25%.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *