NAPILITANG tumalon sa dagat ang 32 pasahero nang magkaaberya ang sinasakyan nilang pumpboat sa Cebu, nitong Miyerkoles.
Ayon sa hepe ng Lapu-lapu City Disaster Risk Reduction Management Office, pinasok ng tubig ang bangka dahil sa malalakas na alon.
Dahil sa nangyari, napilitang tumalon sa dagat ang mga pasahero para hindi tuluyang lumubog ang bangka.
Pinalad na nakaligtas ang lahat ng sakay ng bangka. Sinabi sa ulat na walang nakataas na gale warning ang PAGASA para sa Cebu nang mangyari ang insidente.