bang klaseng kaibigan pala ang Pinay DJ-Musician sa Osaka, Japan na si Liza Javier, bukod sa sincere ay very supportive pa siya sa kanyang mga amiga na dalawa sa kanila ay kilalang Feng Shui expert na si Yuri Saito at co-deejay na si Gina Lagak-Agustin, kapwa awardees sa darating na 17th Annual Gawad Amerika Awards.
Talagang tinutulungan niya na mabigyan ng ex-posure sa kanyang dala-wang popular na show sa internet at mga international and local tabloids. Well mararamdaman talaga ang kabutihan sa puso ni Ms. Liza na balita namin ay marami rin tinutulungan.
Ang paniniwala kasi niya, biniyayaan siya ng Itaas, kaya dapat ay i-share naman niya ang ilang bahagi nito. Tuloy-tuloy naman ang dating ng blessing sa friendship naming Diva dahil hindi siya nawawalan ng show sa Osaka, Japan. Kasama niya ang bandang ‘Da Good Friends tuwing nagpe-perform at tumutugtog ng piano.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma