TANONG: Paano magiging matagumpay ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ang mga nahuhuling may posisyon sa local government unit (LGU) ay mabilis na nakapagko-call-a-friend sa mga opisyal na ‘malapit’ din sa Malacañang?!
‘Yan daw ang ginamit na panangga ng isang Taguig councilor nang matimbog sa isang kilalang casino-hotel sa Parañaque at nakuhaan ng hindi kukulangin sa 3o tabletas ng Ecstasy.
Kung hindi tayo nagkakamali, nitong nakaraang linggo lang nangyari ‘yan.
Sa totoo lang, itinago pa ito ng ilang police official sa media kasi VIP treatment pala si konsehal sa tanggapan ng isang police bossing.
Araguy!
Mabuti na lamang at very vigilant ang mga katoto nating media people sa south Metro kaya ‘naamoy’ agad nila na mayroong kakaibang nangyayari sa opisina ng isang Parañaque police official.
By the way, ano na nga ba ang nangyari kay Konsehal Ecstasy? Nakakulong na ba? Nakapagpiyansa? O nagpapalamig-lamig na sa opisina ng kanyang call-a-friend?!
Paki-update naman kami Chief Supt Victor Rosete?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap