NAKAALERTO ang medical personnel sa Manila City Jail laban sa umano’y flesh-eating bacteria na naging sanhi ng pagkamatay ng isang preso nitong nakaraang Linggo.
Ayon sa ulat, imino-monitor ng medical personnel ng Manila City Jail (MCJ) ang mga preso na dinapuan ng iba’t ibang sakit sa 24-hour cycle makaran ang pagkamatay ni Gerry Baluran.
Si Baluran ay dinapuan ng “flesh-eating bacteria” na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong 8 Hulyo, ayon sa spokesman ng MCJ.
Ang biktima ay nakulong sa Manila Police District Station 9 bago siya inilipat sa MCJ alinsunod sa utos ng korte.
Siya ay nadakip noong 13 Hunyo dahil sa kasong illegal gambling.
Sinabi ng medical personnel ng MCJ, si Baluran ay mayroon nang bacteria bago pa siya inilipat sa nasabing kulungan.