Monday , December 23 2024

8 mula sa dating 12 pelikula, magsasabong sa PPP

ANG dating 12 pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival ay ginawa na lang walo para mapanood lahat ng audience, ayon mismo sa nagpasimula nito na si Film Development Center of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino.

Ang paliwanag ni Ms. Liza, “Ibinaba sa eight movies lang kasi last year hindi nagkaroon ng chance ang audience na mapanood lahat ang pelikula. I think one week is really a short time para mapanood ang 12 movies. Kaya ang nangyari, nag-suffer ang 9th movie hanggang 12th. So, we don’t want that to happen. We want to make sure na mapanood lahat ng audience ang kasali ngayon.

In terms of FDCP vision, I think right now, napakarami naman talaga nating ginagawang mga pelikula and it serves different targets, different demographics with the existence of our local independent film festivals. Dito tayo nakakakita ng mga matatapang na pelikula, ang boses ay kitang-kita at ramdam na ramdam. Ito ang mga pelikulang umiikot sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa. Mayroon din tayong mga pelikulang patok na patok sa ating local audience, distinctively two kinds of films na ipino-produce natin every year.

Magandang makita rin sa ibang bansa ang mga pelikula natin tulad din ng mga pelikula nilang pinanonood natin dito.”

Ang assurance pa ay walang matatanggal na pelikula sa mga sinehan hangga’t hindi natatapos ang ilang araw na isinasagawa ang PPP.

Samantala, ang gaganda ng line-up ng mga pelikulang kasama sa ikalawang taon ng PPP dahil pawang malalaking artista ang kasama.

Ang mga nabanggit na pelikula ay; Ang Babaeng Allergic sa Wifi mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana (The IdeaFirst Company), isang romantic comedy na pinangununahan nina Sue Ramirez, Jameson Blake, Markus Patterson, Kiko Matos, Yayo Aguila, at Boots Anson Roa.

Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana (T-Rex Entertainment), musical.  Sina Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto, at Kiray Celis ang mga bida.

Madilim ang Gabi na idinirehe ni Adolf Alix, Jr. (Deux Lux Mea Films), drama at sina Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco, at Felix Roco ang cast.

Pinay Beauty ni Jay Abello (Quantum Films at Epic Media).  Kuwento tungkol sa barkada na nag-road trip sa pangunguna nina Chai Fonacier , Nico Antonio, Edgar Allan Guzman at iba pa.

Signal Rock mula kay Chito S. Roño (Cape Signal Rock (CSR) Films PH) na ang pinakabida ay si Christian Bables.

The Day After Valentines ni Jason Paul Laxamana  (Viva Films), romantic drama sa pangunguna nina Bela Padilla at JC Santos.

Unli-Life na idinirehe ni Miko Livelo (Regal Entertain­ment), isang comedy adventure na pinangungunahan ng mag-amang  Joey at  Winwyn Marquez at siyempre ang ace comedian na si Vhong Navarro.

At ang We Will Not Die Tonight mula kay Richard V. Somes  (Strawdogs Studio Productions) at sina Erich Gonzales, Alex Medina, Maxine Eigenmann, at Paolo Paraiso ang cast.

Ayon kay direk Joey Reyes nang tanungin siya kung ano ang criteria nila sa pagpili sa mga pelikula.

There were 21 films which were submitted for considerations, but from the very start we made it very clear what were looking for are quality films which have audience friendliness. It was a hard process, magkakaiba ang hinahanap naming mga selection committee, magkakaiba ang panlasa namin.”

Hirit din ni direk Carlitos Siguion Reyna, ”We were also looking for film na may personal or individual voice at saka well-crafted as well.”

Kasama rin sa committee sina film editor Manet Dayrit, direk Sheron Dayoc, cinemato­grapher Lee Briones, at aktres na si Cherie Gil.

Ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ay magsisimulang mapanood sa Agosto 15-21 nationwide.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *