Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Penalosa giniba si Manufoe sa 2nd round

IPINALASAP ni Dave Penalosa ang lakas ng kamao para gibain sa Round 2 ang kalabang si Ricky Manufoe ng Indo­nesia na ginanap sa Bohol Wisdom School Gym sa Tagbilaran City.

Unang lumuhod sa canvass si Manufoe sa 1st round dahil sa mati­tinding body shots  ni Pena­losa.   Nakasalba ito ng round pero muling humiga sa lona ng tatlong beses ang Indonesian sa 2nd round dahil sa ma­titinding suntok ni Dave  kung ka­ya’t  itinigil na ni referee Nic Banal ang laban sa opisyal na oras na 2 minutes at 30 seconds.

“It (sic) really painful. He is very good, the winner,” pahayag ni  Manufoe (27-34-3).

Sa panalong iyon ni Dave, anak ng dating kampeon na si Dodie Boy Penalosa, ay nag-imprub ang record nito sa 13-0 na may 9 KOs.

Saludo si Gerry Pena­losa sa naging performance ng kanyang pamangkin at nangakong bibigyan ng magagandang laban si Dave.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …