HIGANTENG match-up, dapat lang maramdaman ang kakaibang eksperyensa ng mga manonood.
Ang makasaysayang si Senador Manny Pacquiao ay babalik sa ring para bigyang kasiyahang muli ang mga fans partikular ang mga Pinoy.
Sa July 15 (Manila time) ay nakatakdang harapin ng Pinoy idol ang hard-hitting Argentine na si Lucas Matthesse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Hindi man makapupunta sa nasabing bansa ang maraming Pinoy fans para mag-cheer sa Pambansang Kamao ay merong inooper ang Kia Theatre sa Araneta Center na magandang alternatibo para personal na maramdaman ang maiinit na suntok ng Senador.
Sa pagsasanib ng Kia Theatre at Cignal ay mapapanood ang pinakamalinaw na detalye ng laban dahil ang tinaguriang Fight of Champions ay ilalarga sa higanteng high-definition screen na sumusukat ng 40 feet x 20 feet.
“The intense action and the immersive sound system in the theater are expected to match the most excited shrieks and roars from the audience. Making the experience even better are the affordable prizes of the tickets. For just P500, the public may buy VIP or Loge tickets which already come with meals. Balcony tickets are available at just P300. Tickets are now available at Ticketnet outlets and online through www.ticketnet.com.ph . Interested buyers may also contact 911-5555. The theatre opens at 9am,” pahayag ng pamunuan ng Kia Theatre.
Ito ang kauna-unahang laban ni Pacquaio pagkatapos ng kanyang controversial loss kay Jeff Horn noong July 2017.