Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bata patay sa Dengue

LAOAG, Ilocos Norte – Dalawang batang babae sa lalawigang ito ang namatay dahil sa dengue kamakailan.

Kinilala ang mga biktimang sina Princess Angel Silhay, 7, mula sa Brgy. Mariquet, sa bayan ng Solsona; at Nathalia Ramos, 3, mula sa Brgy. San Marcelino, sa bayan ng Dingras.

Parehong namatay ang dalawa nitong Hunyo.

Ayon sa ulat, nakitaan ang dalawa ng mga sintomas ng dengue tulad ng lagnat, rashes, at pagkahilo.

Kinompirma ng provincial health office na dengue ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa batay sa resulta ng laboratory test nila.

Agad umaksiyon ang municipal health unit ng dalawang bayan at nagpausok at nagpalinis sa mga barangay na may banta ng dengue.

Habang pinaalalahanan ng provincial health office ang mga residente na maglinis ng kapaligiran lalo ngayong tag-ulan.

Ipinayong itapon  ang mga naipong tubig na puwedeng pangitlogan o pamahayan ng mga lamok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …