SA mediacon ni KZ Tandingan para sa nalalapit niyang concert, Supreme KZ Tandingan sa MOA Arena sa Hunyo 22, tinanong namin kung bakit kinakabahan pa rin siya.
“Oo naman po, lagi naman akong may kaba kapag may show ako,” sabi ng dalaga.
Biro nga namin na sisiw na lang sa kanya ang mag-concert, ”uy hindi ha,” natawang sabi ni KZ.
Isa sa bagong mapapanood kay KZ ay ang pagkanta ng jazz.
“Ito po yata ‘yung pinakamahirap kong gagawin dahil sa arrangement at kailangan n’yo pong abangan,” say ni KZ.
Dagdag pa, ”ano po, wala kaming areglo na simple kaya iyon ang dapat abangan ng tao kung paano namin binali lahat ng kanta.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan