UMAABOT sa 89,000 ang mga nag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) ngayong Brigada Eskwela na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ang programa ay para umano sa dropouts at matatandang nais bumalik sa pag-aaral.
Aniya, ang pagtaas na naitala ng kagawaran ay bahagi lamang ng ALS special registration booths sa mga Brigada Eskwela.
Pinasalamatan ni Briones ang lahat ng nangampanya para sa naturang programa na aniya ay malapit sa puso ni Pangulong Rodrigo Duterte. (ED MORENO)