SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente kahapon.
Inianunsiyo ng Pangulo ang pagsibak kay Prudente sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC nang tunghayan niya ang pagsira sa smuggled na mga scooter, big bikes at sasakyan.
Ayon sa Pangulo, hindi na raw niya pahihirapan ang Kamara sa isinasagawang imbestigasyon kay Prudente kaugnay ng nakalusot na 105 shipping container sa kabila na may alerto para sa shipment mula Enero hanggang Marso.
Bago pangalanan ng Pangulo, sinabi niya na labis ang biyahe ni Prudente sa abroad.
(ROSE NOVENARIO)