Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Chief of police sa Rizal province kapos sa efficiency?

THE WHO ang isang chief of police ng Rizal province na imbes magpakitang-gilas sa kanilang bagong Regional Director na si C/Supt.Guillermo Eleazar ay pakaang-kaang sa pansitan ang kamote?

Tsk tsk tsk tsk tsk.

Ayon sa ating ‘hunyango’ na itago natin sa pangalang ‘Sleeping Policeman’ or in short SP, si chief of police’ dahil parang napakalalim yata nang pagkakatulog sa kanyang responsibilidad.

Aba’y mantakin n’yo mga kalugar, simula raw nang umupo si SP bilang chief of police, lumala ang sitwasyon ng peace and order sa kanyang area of responsibility (AOR) at mistulang walang ginagawa si Sir sa nangyayari.

Hoy gising! gising! Baka bangungutin ka Tukmol ehek! Tsip!

Bulong sa atin,sunod-sunod umano ang patayan sa lugar ni SP na para bang naging libangan ng mga hitman ang bumira nang bumira roon.

Anak ng kamote Q!

Ang matindi kay hepe ayaw, magpa-interview sa tabloid  at radio reporter para sana hingan siya ng update sa nangyayaring patayan sa kanyang nasasakupan.

Pero ‘pag TV reporter daw ang gustong mag-interview kay SP nagkakandarapa pa siya at naglalaway pa?

Wow! Totoo ba ‘yan Sir?

Choosy ka pa Sir, dinaig mo pa si C/Supt. Eleazar na walang pinipiling media na gustong magtanong sa kanya.

Ang balita, sisibakin na itong si SP ni Eleazar sa kanyang puwesto pero iniyayabang paniya na malakas siya kay Satanas ‘este sa itaas.

Attention C/Supt. Eleazar, sinusubukan ka yata nitong si SP…

Sampolan mo na Sir!

THE WHO? SCANDAL
ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …