Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis pahirap sa bayan

NAYANIG na naman ang sambayanang Pinoy sa muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Katataas lang ng presyo ng langis nitong nakaraang dalawang linggo pero habang isinusulat natin ang kolum na ito’y may announcement na itataas na naman ang presyo ng langis kinagabihan.

Paulit-ulit na sinasabi ng Palasyo na walang kinalaman ang Republic Act (RA) 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN law) sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Isa lang ang itinuturo nila, ang biglaang pagtaas umano ng presyo ng mga produktong petrolyo sa international market at ang paglakas ng dolyar kontra piso. Ay kawawang piso!

Kaya ibig sabihin niyan, sunod-sunod nang magtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin na lalong mag­pa­pahirap sa mga kababayan nating hirap na hirap pagdugtungin ang kanilang suweldo para huwag silang sumala sa oras.

Hindi na alam ng mahihirap nating mga kababayan kung anong trabaho pa ang kanilang papasukin para madagdagan ang kanilang kita.

At ‘yun ang kalagayan ng maraming mahihi­rap na Pinoy, wala nang oportunidad, wala pang opsiyon.

Sinabi man ng Palasyo na hindi dapat sisihin ang TRAIN law,  ano naman ang ginagawa nila para proteksiyonan ang mahihirap na Filipino sa walang humpay na pagtaas ng petrolyo?

Kinalampag man ng Palasyo ang mga depar­tamento ng pangangalakal, paggawa at enerhiya, ano naman ang kanilang hakbang para direktang maramdaman ng ‘kumakalam na sikmura’ ng mamamayan na sila ay may konkretong aksiyon para proteksiyonan sa mataas na presyo ng bilihin ang mga mama­mayan.

Papalisin ba ng kanilang mga pahayag at pangako ang nararamdamang kawalang katiyakan ng ating mga kababayan?!

Sabi nga ni Senator Panfilo Lacson, hintayin ninyong magrebolusyon ang mamamayan!

Hay naku, wala bang alam gawin ang mga nasa gobyerno kundi ang magsalita?!

Aba, umaksiyon naman kayo!

E-GATES SISIMULAN NA
SA MGA PALIPARAN

ITONG susunod na buwan ay sisimulan na sa mga airport sa Filipinas ang paggamit ng “e-gates or electronic gates.”

Ito ang sagot ng Bureau of Immigration (BI) sa mahabang pila ng mga pasahero partikular diyan sa NAIA.

Sa isang panayam kay BI OIC-Deputy Commissioner and POD Chief Marc Red Mariñas malaking tulong umano ang e-gates dahil magiging madali para sa mga pasaherong Filipino ang proseso sa kanilang pagdaan sa mga airport.

Kinakailangan lamang i-swipe ng isang pasahero ang kanyang passport, biometrics at facial capturing na aabot sa 12 hanggang 15 segundo.

Aabot umano nang 18 units ang e-gates na inisyal na gagamitin sa mga pangunahing airports partikular sa NAIA terminals 1, 2 and 3, Clark, Davao, Kalibo at mga bagong airport counters sa Cebu.

Dagdag ni Mariñas, pipilitin ng BI na bago matapos ang taon ay magamit sa lahat ng mga paliparan ang bagong sistema.

Inilaan ng pamahalaan ang budget na P340 milyones para sa bagong pasilidad.

Ang nasabing e-gates sa ngayon ay ilalaan muna sa mga Filipino.

Ang mga pasaherong foreigners ay patuloy na daraan sa mga counter ng immigration officers para i-facilitate ang pagpasok at paglabas nila sa bansa.

Kung inyo pong napapansin sa ibang mga bansa, ang kanilang mga local resident ay ganitong sistema na rin ang ginagamit.

Bukod rito, patuloy na nakatutok ang airport immigration supervisors sa mga dumaraang pasahero para sa seguridad ng bansa.

Good job, BI POD!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *