Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Justin Lee, maraming fans at sikat sa YouTube

PALIBHASA hindi kami mahilig manood sa Youtube kaya hindi pamilyar sa amin si Justin Lee na artist ng SMAC TV Productions na super sikat pala.

Nang imbitahin kami ng katotong  John Fontanilla sa nakaraang  Justin Lee All About Me concert nito sa SM North Edsa Skydome nitong Mayo 22 ay napakunot ang noo namin dahil sa totoo lang hindi nga namin siya kilala.

Sabi ng aming patnugot dito sa Hataw na si Ateng Maricris Nicasio, ”sikat siya, check mo sa youtube.”

Kaya naman habang tinitipa namin ang kolum namin ay talagang pinanood namin ang performances ni Justin kasama ang iba pang artist ng SMAC TV Productions at totoo nga, marami silang fans.

May mini-series ding ipinala­labas ang SMAC TV Productions na marami ang viewers at kung hindi kami nagkakamali ay nasa episode 7 na.

Going back to Justine Lee All About Me concert ay sold out ang tickets at pagpasok namin sa loob ng Skydome ay halos hindi na namin marinig ang boses ng mga kumakanta sa tindi ng tilian at hiyawan ng supporters ng bawat artists na kasama sa show.

Pero nang lumabas na si Justin, susme, mas lalo na kaming walang narinig as in. May boses naman pala ang bagets, may karisma at okay naman din pumorma kaya maraming girls ang tumitili sa kanya.

At take note, halos mag-aalas-dose na ng hatinggabi, grabe pa rin ang energy ng audience samantalang hapon palang ay nakapila na sila sa Skydome, huh!

Ang mga kasama sa show ni Justine ay sina John Roa Francis Lim at ang SMAC talents na sina Mateo San Juan, VMiguel Gonzales  at Isiah Tiglao. Naroon din si DJ Alvaro.

Ang Be Happy Go Lucky Host ay sina Klinton Start, Jervy Delos Reyes, Ron Mclean, Rayantha Leigh, Angelia Orna, Kikay/ Mikay, JB Paguio, JM Agaps, Rish Ramos, Joshua Malaluan, Steven Nolasco.

Kasama rin ang Sing like a Pro Top 3: Andrei Tamura, Airick Habijan, Irene Solevilla, at Jayla Villaruel. Ang Justin Lee All about Me Concert ay ipinrodyus ng SMAC TV Productions.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …