KAYA bilib ang mga lespu kay Manila Police District (MPD) Director, S/Supt. Jigz Coronel, tanaw niya ang mga nagaganap kahit sa malalayong estasyon.
Kaya nga agad niyang napapalitan ang mga undesirable.
Gaya ng ginawa niya kamakailan.
Pero mukhang malabo raw ang mata ni Kernel Jigz kapag malapit sa kanyang opisina…
Hindi raw yata nabubusisi ni Kernel Jigz ang mga ‘tanggapan’ sa headquarters na overstaying na ang ilang opisyal?!
‘Yung iba nga raw, wala pa si Kernel Jigz e nandiyan na, at baka mailipat na si Kernel Jigz, nariyan pa rin?!
Malamang hindi lang Elmer’s Glue ang ipinandikit sa mga puwet nila. Baka mas matibay pa sa Mighty Bond.
Arayku!
Kidding aside, Kernel Jigz, hindi mo ba napapansin na ‘yung ibang opisyal ninyo riyan sa MPD e parang ‘titos’ and ‘titas’ na ninyo sa tagal na nila riyan?!
Aba, mamasyal naman sila sa labas ng Maynila. Hindi sa Baseco lang ha, Kernel Jigz, ha?!
Pero kung nearsighted talaga kayo, Kernel Jigz, panahon na siguro para patingnan ninyo ang mga mata ninyo.
‘Yun lang.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap