AMONG the 8 finalists sa “Super Sireyna Worldwide 2018” sa Eat Bulaga na kinabibilangan ng mga bansang Angola, Australia, Brazil, Mexico, Spain, USA, Venezuela at Philippines.
Ang manok ng ating bansa na si Super Sireyna Nicole Guevarra Flores ang siyang nangibabaw among the candidates pagdating sa beautiness, talent at husay sumagot sa Q & A portion.
Kaya naman sa ginanap na grand finals last Saturday sa Broadway Studio ng Broadway Centrum ay si Nicole ang naging stand-out sa mga judges kaya’t siya ang nahirang na “Super Sireyna Worldwide 2018” at naiuwi ang biggest prize ever na ipinamigay ng Bulaga sa taong ito.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma