Nag-VIRAL sa social media kamakailan ang pambibiktima ng notoryus na mga tirador na lulan ng motorsiklo na nagpaikot-ikot sa paligid ng isang malaking unibersidad sa Dapitan St., Sampaloc, Maynila na nasasakupan ng MPD Station 4.
Kitang-kita sa CCTV ang ginawang pambibiktima ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo nang hablutin ang gamit ng isang tila estudyanteng biktima na nag-aabang ng masasakyan sa naturang lugar.
Ang matindi pa ay nahagip rin sa CCTV na hindi lamang isang riding-in-tandem ang tirador kundi pati ang back-up nitong dalawang suspek sa pangalawang motor.
Lumalabas na hindi lamang isang riding-in-tandem ngayon ang bumibira sa AOR ng SAMPALOC POLICE STATION 4 kundi marami pa?!
Wattafak!?
Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga riding-in-tandem na magwalanghiya sa AOR ng MPD PS-4!?
Ano ba ang ginagawa ng mga matutulis ‘este mga pulis ni MPD Station 4 commander Supt. Olivar na tila natutulog lang sa pansitan na pinaiikutan ng mga riding-in-tandem sa kanilang teritoryo!?
MPD district director C/Supt. Jigs Coronel sir, Kailan pa po ba napuwesto sa MPD PS4 si Supt. Aquino Olivar?
Baka kasi wala nang challenge sa kanila ang AOR ng Sampaloc kaya’t tila tulog na mantika na sila sa kanilang tanggahan ‘este tanggapan, sir?
Mukhang ang bagman lang ng ‘kuwatro’ ang masaya riyan mga bossing!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap