PARAMI nang parami ang tumatangkilik sa “Tyrone Oneza Wheel of Fortune” na tinaguriang “Idol Ng Masa at Hari ng Facebook.”
Si Tyrone Oneza, certified businessman na rin ngayon at owner ng isang cocktail bar sa Barcelona. Dahil inspirado sa rami ng followers ay dinagdagan o mas pinalaki pa ni Tyrone ang premyong cash, gadgets (cellphone, laptop, tablet) na puwedeng mapanalunan ng Tryonenatics sa kanyang “Game Pahulaan.”
Mula noong January 2018 hanggang ngayong Mayo ay umabot na sa 8 laptops, 5 cellphones, 5 tablets at libo-libong Euro money ang naipamigay ng nasabing ballader. Bukod pa riyan, mayroon pa siyang scholarship program at marami na siyang pinag-aaral nang libre.
May mga masuwerteng Tyronenatics rin ang nabibiyayaan ng BDO Kabayan Peso Savings at ATM na dinedepositohan ni Tyrone ng initial deposit. Kaya naman loyal na loyal sa idolo nilang singer ang Tyronenatics at kabilang na sa diehard supporters ni Tyrone itong si Sayaka Rayos ng Filipinas na tatlong beses nang nanalo ng mamahaling gadgets at cash sa Tyrone Oneza, Wheel of Fortune.
Nitong mother’s day naman bilang alaala ng matagal nang namaya-pang minamahal na Nanay Bessie ay nagpakontes rin si Tyrone para sa Tyronenatics mothers na binigyan niya ng cash. Maganda ang buhay ni Tyrone sa Barcelona na gabi-gabi ay nakatutok siya sa kanyang bar at siya mismo ang nagbabantay nito.
Samantala, dahil passion ang pagkanta at nakagawa na rin ng album ay biglang na-miss ni Tyrone ang kanyang composer na si Vehnee Saturno na kilalang hit maker. Malaki raw ang utang na loob niya kay Tito Vehnee na nag-compose ng apat na awitin niya sa kanyang first self-titled album na “Tyrone Oneza, Dito Sa ‘King Piling” na hindi lang ang carrier single na Dito Sa ‘King Piling ang sinulat kundi maging ang mga awiting “Hanggang Ngayo’y Ikaw” at nag-iisang pamaskong awitin sa album na “Ikaw Ang Christmas Ko.”
Very memorable sa mang-aawit ang kantang “Nag-iisa Ako Maghihintay” sa iyo na pinagtulungan nilang i-compose ng kanyang Nanay Bessie. Hit na hit na ang mga song na ito ni Tyrone sa Spotify, Amazons, at itunes.
****
Isa sa mga sikat at premyadong director na ina-idolize ni Direk Reyno Oposa ay si Direk Elwood Perez na na-meet na niya personally at nakakuha raw siya nang ilang tips dito pagdating sa directing.
Well, unti-unti na rin gumagawa ng pangalan si Direk Reyno na busy sa kanyang tatlong proyekto ngayong taon. Nakatakda nang magkaroon ng international viewing in selected Cinemas sa Toronto, Canada ang kanyang obrang “Agulo: Hinagpis Ng
Gabi,” na hinangaan ng Ontario actor-cinematographer na si Peter Hodgins at Angeliki Symeonides ng Murder of Memory.
Mga bida sa Agulo sina Janice Jurado, Kristoffer King, Pamela Ortiz, Khristian Michael Villanueva, Monits Torres, Tonz Are, Jen Jalandoni at introducing sa film ang bini-build up ng director na si Brav Barretto.
Tapos na rin gawin ni Direk Reyno ang “Takipsilim” na intended for Cinemalaya this year para sa short film category. Ang kuwento nito ay tungkol sa isang bulag na ama na hinihintay na lang niya ang huling yugto ng kanyang buhay.
Inaalagaan siya ng 10-year-old daughter niya, na kahit ganoon pa mang nanatiling salat ang buhay niya ay naitawid pa rin at pinasasalamatan ang lahat sa buhay niya na kahit sa kanyang huling kaarawan ay naramdaman pa rin niya ang ligaya na kontento na siya sa buhay kahit lilipas man siya sa mundong ibabaw.
Parte ng cast sina Lino Sulapas, Aquilino Oposa, at Angela Oposa. Uumpisahan na rin ni Direk Reyno next month ang shooting para sa bagong short film na Bulong (Whisper) na ang storyline ay tungkol sa batang babae na inabuso at ginahasa ng kanyang stepfather at bibida rito ang susunod sa yapak ni Kristoffer King na si Brav Barretto na mapupuri ang husay sa acting at professionalism.
Ka-join din sa project na ito ang anak-anakan namin sa showbiz na si Khristian Michael at intended rin daw ito sa international film festival. Based na pala sa Toronto Ontario Canada si Direk Reyno na nagtapos ng filmmaking sa Toronto Film School at RCC Institute of Technology na nasa Toronto rin.
Aba’y hindi pala puwedeng isnabin ang credentials nito pagdating sa paggawa ng pelikula. Lahat ng indie movies ni Direk Reyno ay produce niya.
Check Also
Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema
MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …
Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla
PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …
Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55
PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …
Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine
INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …
Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis
MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …