Saturday , November 16 2024

Pagbasura sa drug charges vs Taguba, 8 iba pa iniapela

INIAPELA ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura ng Valenzuela City court sa drug transportation and delivery charges laban kay umano’y Customs fixer Mark Ruben Taguba II at walong iba pa kaugnay sa P6.4-billion shabu shipment mula China nitong nakaraang taon.

Sa motion for recon­sideration na may petsang 8 Mayo,  hiniling ng panel ng DOJ prosecutors kay Judge Arthur Melicor ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 284, ang pagbalik sa ibinasurang criminal case laban kay Taguba at kanyang mga kapwa akusado.

Sa desisyon ni Melicor, ang paghahain ng prosekusyon ng drug importation case laban sa kaparehong mga tao at kaparehong mga argumento sa Manila court “clearly bears the hallmarks of forum shopping.”

Ang forum shopping ay pagsasagawa ng dalawa o mahigit pang aksiyon sa kaparehong kaso sa dalawa o mahigit pang korte upang makakuha ng paborableng desisyon sa isa sa mga ito.

Sa kanilang apela, iginiit ng state prosecutors sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon, na ang kaso sa Manila court “has not yet attained finality” at “is of no moment and has absolutely no bearing” sa kasong nakahain sa Valenzuela City RTC.

“The mere filing of two or more cases based on the same incident does not necessarily constitute forum-shipping,” ayon sa pro­secutors.

Nauna nang idinismis ng Valenzuela City RTC Branch 171 ang drug importation charges laban kay Taguba at kanyang mga kapwa aku­sado bunsod nang kawalan ng hurisdiksiyon, na nagre­sulta sa refiling ng kaso sa Manila court.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *