INIHAYAG ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, 1,100 police officers ang nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sinabi ni Albayalde, 180 police officers ang nagsilbi bilang BEIs sa Sulu; 45 sa Basilan; 177 sa Maguindanao; 400 sa Lanao del Sur; 119 sa Cotabato City; at 109 sa Cotabato provinces.
“Wala akong alam kung ilang polling precincts ‘yun, basta ‘yung basis [ay] per province. Because remember, in all the regions, meron tayong sinanay na Comelec officers natin, 1,000 per region as contingency,” pahayag ni Albayalde.
Ang lahat ng eryang may police officers bilang BEIs, maliban sa Cotabato City at Cotabato province, ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng hot spots o watch list areas para sa election-related violence.
Ito ang unang pagkakataon na hinayaan ang mga guro na tumanggi sa election service bunsod nang ipinatupad na Election Service Reform Act o Republic Act 10756.