Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine at Ryan, nagkakagulo

SI Zaijian Jaranilla (Liksi) na ang kapalit ni Sofia Andres (Mayari) bilang isa sa mga Bagani.

Si Lakas ang dahilan kung bakit lumabas ang lakas at kapangyarihan ni Liksi dahil sinanay siya ng una sa kuweba na sinanay din siya ng amang si Agos.

Pinahirapan ni Lakas si Liksi para tuluyang mailabas ang nakatagong lakas kaya naman tuwang-tuwa ang lahat ng maging Bagani na siya kasama na ang buong pamilya nito.

Kailangan kasing makimpleto ang mga Bagani para magapi nila si Sarimaw (Ryan Eigenmann) at dahil kulang na nga sila dahil namatay na si Mayari kaya nanatiling malakas pa rin ang una.

Ang isa sa mga Bagani na si Lakam (Matteo Guidicelli) ay nagkukunwaring kakampi ni Sarimaw para makuha ang simpatiya at para malaman kung paano matatalo bagay na alam naman ng Ama nitong si Robert Sena.

Naghahanap pa ng isa pang Bagani si Lakas dahil inakalang patay na si Ganda (Liza Soberano) na hindi pa ipinaalam din sa kanya na buhay pa ito at nasa ibang mundo lang dahil bihag siya ni Malaya (Kristine Hermosa).

Kapag nalamang buhay si Ganda ay kompleto na ang mga Bagani na sina Lakas, Dumakulem, Liksi, at Lakam at kayang-kaya na nilang matalo si Sarimaw.

Magkakaroon lang ng problema kapag kinampihan ni Bathala bilang kunsintidor na ama ni Sarimaw kaya sila nagkakagulo rin ng asawang si Malaya (Kristine Hermosa).

Abangan ngayong gabi ang journey ni Liksi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …