SOBRANG puring-puri ni Kris Aquino sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil sa tatlong araw na nakasama niya sa shooting ng pelikulang I Love You, Hater ay nakitaan niya ng hardwork.
“Sobrang focused ‘yung dalawa (JoshLia), nakikinig sa direktor,” saad ni Kris nang maka-chat namin kahapon.
Masaya ang JoshLia sa set kaya nag-e-enjoy si Kris na kasama sila bukod pa sa napakarami nilang kuwentuhan tungkol sa buhay-buhay na hindi naman binanggit kung ano dahil pang-personal nila iyon.
Ang puwedeng i-share lang ni Kris sa JoshLia, “nakita ko sila up close, may feelings (sa isa’t isa).”
Oo naman, hindi naman maikakaila na nagmamahalan talaga sina Joshua at Julia dahil pagkatapos ng kanilang matinding alitan ay nagpost na ang aktres ng litrato nilang dalawa ng aktor na magkayakap at ang caption, “After a storm comes a calm.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan