BUKAS malalaman kung sino-sino ang mga nominado sa gaganaping 66th FAMAS Awards Gabi ng parangal na gaganapin sa Hunyo 10 2018, Linggo sa The Theater Solaire.
Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioner, academicians, at critics headed ng award winning script and literary writer na si Ricky Lee.
Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang: Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematography, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound, at Special Effects.
Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal sa Documentary at short films. Ang publiko ay makakalahok din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor, at Actress.
Matatandaang itinatag noong 1952, ang FAMAS ay presented ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at matagal nang itinuturing na isa sa mga pinaka-popular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Pilipinas na ipinalabas noong 2017 na mayroong at least isang araw na commercial screening ay kalipikado para sa mga parangal sa taong ito.
Ang MEGAVISION Integrated Resources Inc. ang producer ng ika-66 FAMAS Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga katanungan magsend lamang ng email sa [email protected].
Ang Film Development Council of the Philippines ay ang official government partner ng 66th FAMAS AWARDS. Ang FAMAS 2018 ay suportado rin ng Victorino’s Restaurant, MAC Cosmetics, Aloysius Global, The Theatre At Solaire, Gardenia at PAGCOR.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan