MAGKAKALOOB ng libreng sakay sa Metro Rail Transit-(MRT-3) sa mga obrero ng pribado at pampublikong mga ahensiya at establisimiyento sa darating na Araw ng Paggawa (Labor Day) sa 1 Mayo.
Ang naturang hakbang ng MRT ay sa kahilingan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor (DOLE) bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa.
Ang libreng sakay sa MRT 3 ay magsisimula dakong 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga.
Sa hapon ay mag-uumpisa ang libreng sakay mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Kinakailangan ipakita ang kanilang mga identification card mula sa kanilang pinapasukang kompanya para sa libreng sakay.
(JAJA GARCIA)