HINDI naman ganoon kaunlad ang lalawigan na pinagmulan ni Mr. Congressman.
Pero nakapagtatangkang nakapagpatalo siya ng P5 milyon sa 10th NCA 6-Cock Derby sa Ynares Sports Complex kamakailan.
Kaya ba ninyong hulaan kung sino si Cong?!
Kung hindi man namataan si Congressman sa Ynares, ‘yan ay dahil may tinatawag na ‘telephone betting.’
Sa telepono lang puwede nang tumaya.
Ang galing ni Cong!
Kuha n’yo na ba?
Siyanga pala, kinakatawan ni Mr. Congressman ang isang lalawigan sa Mindanao.
Malapit na siguro ninyong mahulaan…
Pero ang malupit na clue, may kapatid din na mambabatas si Cong.
Kaya kompleto ang representasyon ng pamilya ‘este ng lalawigan nila sa Kongreso, mayroon sa itaas at mayroon sa ibaba.
Give away na ‘yang clue na ‘yan, palagay natin ‘e gets na gets n’yo na!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap