Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano sexy

Darna, gagawin pa rin ni Liza!

SIMULA nang umere ang epic-seryeng Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil nitong Lunes ay hindi na nawalan ng isyu. Hindi namin alam kung sadya ba ito o nagkataon lang.

Lunes, bago umere ang Bagani ay may reklamong natanggap na ang ABS-CBN Management mula kay CHEDCommissioner Ronald Adamat, dating representative ng Indigenous People Sector na nagre-reklamo tungkol sa paggamit ng titulong Bagani.

Kaagad naman itong sinagot ng nasabing network na wala silang masamang intensiyon sa titulo.

Bagani Lizquen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli Sofia Andres Makisig Morales

Miyerkoles, kaliwa’t kanan ang mga birang natanggap ng isa sa cast ng Bagani na si Sofia Andres mula sa mga kasamahan sa panulat at bloggers na may attitude problem ang dalaga.

Inaksiyonan naman kaagad ito ni Sofia at humingi ng dispensa sa lahat ng nagawan niya ng pagkakamali na ipinost niya sa kanyang IG account at umaasang mabigyan siya ng isa pang pagkakataon para baguhin ang ugali niya dahil may pinagdaraanan siya.

At kahapon, Huwebes ay lumabas naman ang balitang ‘shelved’ na ang movie project ni Liza na Darna mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Si Liza ay si Ganda sa Bagani na tumutulong sa mga magsasaka na magiging kakampi ni Lakas na karakter naman ni Enrique.

Going back to Darna ay nagulat ang buong production ng pelikula nang mabasa ang isinulat ni Entertainment Editor, Ricky Lo ng Philippine Star na shelved na nga raw ang pelikula dahil abala si Liza sa Bagani.

Ang alam din namin ay matagal nang nagsu-shooting si Liza ng Darna na hindi nga lang tuloy-tuloy dahil nga bukod sa Bagani ay may mga iba pa siyang commitment.

Totoong matagal bago nasimulan ang Darna dahil hindi pa plantsado noon ang schedule ni Liza dahil locked-in sila sa set ng Bagani sa Ilocos para sa pilot week at dahil mas malapit na ngayon ang location ng mga susunod na eksena ng serye ay puwede ng sumegue-segue ang aktres para sa shooting ng pelikula niya.

Oo nga naman, maski sino ay maiisip na posibleng hindi na magagawa ni Liza ang Darna dahil mahirap pagsabayin ang pelikula at serye pero nagawan ito ng paraan.

Tinawagan namin ang Star Cinema PR Manager na si Mico del Rosario kahapon tungkol sa isyu at sabi niya,”nasa Instagram na po ang sagot namin.”

Base naman sa IG account ni Mico na naka-post ang artikulong ‘Is Darna shelved?’ na kaagad sinagot ng, ”THIS IS NOT TRUE. Spoken already to Tito Ricky Lo and clarify that DARNA has already started shooting. Tuloy na tuloy po ang Darna.”

Kaya sa fans ni Liza, tuloy na tuloy pa rin po ang Darna movie niya at kung walang pagbabago ay mapapanood ito sa mga sinehan sa last quarter of 2018 o 2019.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …