ITINANGGI ni Cornerstone Management President at CEO, Erickson Raymundo ang tsikang lilipat na sa pamamahala niya si Maine Mendoza na mas kilala bilang si Yaya Dub.
May nag-text sa amin habang ginaganap ang media conference ng Cornerstone Concert Artists sa Luxent Hotel nitong Lunes ng gabi na nasa pangangalaga na ni Erickson si Maine.
“Saan galing ‘yan? Wala akong alam!” saad sa amin ng manager at Spring Films producer.
At dahil tila hindi naman big deal ang tanong namin at sa pakiwari namin ay hindi rin naman interesado si Erickson ay hindi na siya nagtanong ulit tungkol kay Maine.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan