BOY na boy at gu wapong-guwapo ang TV host-comedian na si Paolo Ballesteros sa latest offering ng Viva Films, ang Amnesia Love mula sa direksiyon ni Albert Langitan.
Ginagampanan ni Paolo ang character ni Kimmer Lou, isang sikat na gay social media influencer/fashion blogger na biglang napadpad sa isang isla matapos maaksidente at malunod habang nangunguha ng wildflower.
Iniligtas siya ng ilang bata sa isla at kinupkop ng barangay captain na si Lander Vera-Perez at asawang si Maricel Morales pero nang magkamalay ay mayroon na itong amnesia.
Na -inlove ka’y Doray (Yam Concepcion) at nakaroon sila ng mainit na eksena katulad ng ilang ulit na kissing scene.
Kasama nina Paolo at Yam sa Amnesia Love sina Geleen Eugenio, Sinon Loresca at marami pang iba. Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide mula saViva Films.
MATABIL
ni John Fontanilla