HOW civilly nice of Kris Aquino sa kanyang tugon sa ipinost ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa social media account nito lambasting the Aquinos sa nakaraang pagdiriwang ng ika-32 anibersayo ng People Power.
Pero how unusual din of Kris sa kanyang himig na wari’y maaatim pa niyang imbitahang magkape ang anak ni Digong o ‘di kaya’y mag-inom.
We find Kris unsually nice dahil inokray na’t lahat ang kanyang angkan ay mayroon pa siyang “peace offering” kay Paulo para nga naman makapag-usap sila.
Kung iba-iba kasing basher ang namuntirya ng kanyang pamilya, tiyak na kung hindi man deadma lang ang stance ni Kris ay baka nakatikim ito ng pang-iinsultong hindi nito kailanman nalasap sa tanang buhay niya.
Pero sa isang banda, si Kris na rin ang nagbigay-katwiran sa kanyang pagiging civil. Ang ama nga naman ni Paulo na si Digong ang kasalukuyang nasa puwesto.
Bukod kay Digong who’s the country’s leader, nariyan pa si Sara na siyang alkalde ng Davao City. Oo nga’t naging Presidential Daughter si Kris who later became Presidential Sister sa pamununo ng kanyang Kuya Noynoy, pero no match siya at iba pa niyang sisters kung katungkulan sa pamahalaan ang pag-uusapan.
Call na ni VM Paolo kung papatulan niya ang paanyaya ni Kris na magkape o mag-inom. Pero kung kami sa Bise Alkalde, iga-grant namin ang imbitasyon out of pagiging maginoo.
Maaaring hindi nagkikita sina Paolo at Kris nang mata-sa-mata given their dissenting political views, pero may hatid na milagro ang isang mahinahong pag-uusap at paliwanagan.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III