Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Bagani” nina Enrique at Liza pinakamalaki at pinakamagastos na teleserye ng taon

TRAILER pa lang ng “Bagani” ng LizQuen loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano ay sobrang halimaw na sa ganda ang set o production design at costume ng pinakabagong fantasy-drama series ng Star Creatives na pinagtulungang buuin nina Ma’m Malou N. Santos at Des M. De Guzman at sanib-puwersa namang idinirek nina Richard I. Arellano, Lester S. Pimentel at Raz dela Torre. Yes this is certified most expensive teleserye of ABS-CBN for 2018.

Bagani Lizquen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli Sofia Andres Makisig Morales

Biro nga ni Enrique ay five years in the making ang teleserye nila ni Liza na mala-pelikula sa laki ng cast  at budget kaya dapat ay pakaabangan at suportahan ng mga manonood lalong-lalo ng LizQuen fans worldwide.

“They said it’s the most expensive teleserye in Philippine history. This is actually five years in the making, para siyang movie,” panimula ni Enrique. At para sa sikat at guwapong Kapamilya actor ay malaking karangalan sa kanya na magampanan ang karakter ni Lakas sa bagong show.

Bago mag-taping, kinailangan pa raw mag-diet ni Quen para sa malaking proyektong ito. We heard, na nahirapan ang kanilang grupo (cast and whole production people) sa taping dahil mainit ang disyerto na kanilang lokasyon sa Ilocos.

“Kailangan diet, tsaka sa taping parang nagwo-work out ka, puro action scene, fight scene, takbuhan. Mainit, so naka-sandals lang kami. ‘Yung buhangin napakainit,” sey ng aktor.

Ang kapareha namang si Liza ay first time sa ganitong konsepto pero maraming pinabilib ang pretty young actress dahil buong husay niyang nagagampanan ang karakter bilang si Ganda na taga-Patag na susubukang lupigin ni Lakas at dito iikot ang kuwento ng Bagani na kinabibilangan rin nina Matteo Guidicelli bilang si Lakan na taga-Kalakal,

Sofia Andres as Mayari,

Makisig Morales (Dumakulem).

Parte rin ng cast sina Christian Vasquez (Dakim), Rayver Cruz (Kidlat), Ana Abad Santos (Lila), Mikylla Ramirez (Ula), Jai Agpangan (Lala), Robert Sena (Ama), Enzo Pineda (Datu), Precious Lara Quigaman (Dilag), Ryan Eigenmann (Sarimaw) at Dimples Romana bilang si Selma. To complete the cast na may important roles din sa serye ay sina Maricar Reyes, Diether Ocampo, Zaijan Jaranilla, Jana Agoncillo, John Steven de Guzman, Lord Hizon, Jayvee Perez, Orlando Pascua, Emmanuel Vera, Rufa Mae Quinto with the special participations of Albert Martinez as Agos, Bela Padilla as Carmela and Doroteo portrayed by Ian Veneracion.

Mamayang gabi, March 5 ay mapapanood na ang pilot telecast ng Bagani na papalit sa maiiwang timeslot ng La Luna Sangre. Mapapanood ito weeknights after “FPJ’s Ang Probinsyano” of King of Television Coco Martin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …