Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales
The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

The Significant Other, hataw sa takilya!

HINDI binigo ng mga manonood sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales dahil sa unang araw ng movie nilang The Significant Other, nag-gross ito ng P4.3-M.

Masayang-masaya ang produksiyon ng CineKo dahil sa lakas ng suporta ng fans ng tatlo, kasama na ang mga naengganyo ng social media at mga kaibigan sa entertainment media para sa tinatawag ngayong  ”millennial triangle.”

Super sexy ang pelikula na nabigyan ng R-13 rating ng MTRCB at aliw na aliw ang mga unang nakapanood sa patalbugan ng mga maaanghang na salita ng mga bidang babae, kahit na ang mga gumanap nilang nanay na sinaDina Bonnevie at Snooky Serna.

“Makatotohanan, very practical at hindi nanghuhusga ang movie,” sey ng ilang friends sa media na nakitaan ng bagong anggulo ang pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan.

Tungkol nga sa kuwento ng mag-asawa at kabit ang pelikula at kung paano silang sinuportahan at hindi pinaboran ng mga tao sa paligid nila.

“But this is not your typical kabit movie. Iba ang ginawang atake ng kuwento at direksiyon,” hirit pa ng  media friends natin. Puring-puri ang tatlong mga bida na hindi lang isang beses pinalapakpakan sa mga eksena nila. Palabas pa rin at patuloy na lumalakas ang pelikula na mapapanood din sa mga sinehan sa buong bansa.

Ipinrodyus ng CineKo at ipinamamahagi ng Star Cinema, inaasahang mabilis na aabot sa P50-M mark ang The Significant Other.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …