ANG itinakdang susunod na electoral exercise ay sa barangay/Sangguniang Kabataan sa May 14, na nakasanayan nang idinadaos tuwing Oktubre.
Huwag lang magbagong muli ang isip ni Pangulong Duterte, as we all know ay mataas ang lebel ng emosyon tuwing barangay polls. Kadalasan pa nga’y daig nito ang ingay at intensity kapag pinag-uusapan na ang pambansang halalan.
Nabuhay muli ang balitang pagtakbo ni Kris Aquino sa pagka-Senador in 2022 during which ay bababa na ang administrasyon ni Duterte. Nabuhay dahil ang pagpalaot ni Kris sa mundo ng politikang kinagisnan niya’y hindi na bago sa ating pandinig. Ilang nagdaang eleksiyon nang umuugong ang tsikang susunod siya sa yapak ng kanyang ama’t ina at Kuya Noynoy.
At bakit naman hindi?
‘Di tulad ng karamihang naluklok sa iba’t ibang puwesto at nakalasap ng kapangyarihan ay nakatitiyak na tayo—contrary sa isang basher na pinatulan niya—na hindi magnanakaw si Kris sa kabang-yaman ng gobyerno.
Hindi siya matutulad sa mga kilala nating personalidad sa politika na ang tingin sa kanilang trabaho’y walang iniwan sa negosyong maaaari nilang ikayaman, at hindi public service.
Huwag na tayong magbolahan at magbulag-bulagan.
Isang masyupal ang fezlak na pinapanagot sa kasong pandarambong ay balitang tatakbo uli sa isang pambansang puwesto.
Parang wala namang kadala-dala ang taong ‘yon. Maikalawang beses na siyang na-prosecute sa parehong kaso, heto’t gusto na namang tumakbo?
Para ano? Para kinalaunan ay harapin na naman niya’t managot sa pareho na namang kaso?
Anyway, marami pang posibleng mangyari between now and 2022. Pero hindi pa man, Kris—kung kami ang tatanungin—ay nakatitiyak nang ise-shade namin ang hugis itlog na bilog sa aming balota opposite her name in the senatorial lineup.
Hindi man nagtapos si Kris bilang magna cum laude, walang sinuman ang maaaring magsabi na isa siyang magnanakaw!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III