Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KathNiel Kathryn Bernardo Daniel Padilla La Luna Sangre Richard Gutierrez

Daniel at Kathryn na-stress sa action scenes pero happy sa magandang ratings ng “La Luna Sangre” (Huling anim na araw na)

MARAMING factor kung bakit since mag-pilot telecast noong June 19 last year ang “La Luna Sangre” ng Star

Creatives ay never lumaylay sa ratings game ang serye ng KathNiel love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama si Richard Gutierrez at maging si Angel Locsin (namaalam na ang karakter) at marami pang iba. Kasi hindi lang ‘yung bago sa paningin ng mga manonood ang ginawa nina DJ at Kath sa La Luna Sangre kundi lahat ng mga eksena rito magmula umpisa hanggang sa huling anim na araw nila ay pinaghirapan ng dalawa, ni Chard at ng buong cast lalong-lalo sa kanilang non-stop action scenes.

Kaya naman sa thanksgiving presscon ng LLS, inamin pareho nina Daniel at Kathryn ang sobrang stress na inabot nila tuwing taping pero happy naman daw sila sa magandang ratings ng kanilang show.

“Oo hindi lang naman kami puro arte rito dahil mayroon din naman kaming action, hindi madaling mag-aksiyon sa isang teleserye dahil may hinahabol na airing. Hindi naging ma­dali na katulad ng movie na mayroon kang oras (mag-shoot), sa serye wala kang oras, kai­langan dire-diretso. So ‘yun ang ibig kong sabihin na minsan nakai-stress pero masaya pa rin at nasa mindset mo kung paano mo dada­lhin,” paliwanag ni Daniel sa harap ng entertainment press and bloggers na invited sa said presscon sa 95-01 Resto sa 14th floor ng ELJ Bldg sa ABS-CBN.

Ayon kay Kathryn, “Halo-halo rin po ang na-feel ko kasi unang-una nahihirapan ako sa mga ginagawa ko kasi hindi biro ‘yung adjusments na ginawa ko as Malia. Ang daming first na ginawa ko kaya hindi ko makakalimutan at ang importante ay ‘yung relationship na nabuo rito sa show, feeling ko ‘yon ‘yung pinakamami-miss ko, the LLU (La Luna Unida), Moonchasers and everyone sa set talaga. Hindi naging madali para sa lahat, ng mga director, sa staff. Importante ang nabuong pamilya sa set at natutuhan namin nang ilang buwan.”

Nagpapasalamat pala si Kath, at hanggang ngayon ay marami pang mga kabataan ang tumi­tingala sa love team nila ni DJ. Sa 2 Marso (Bi­yernes) na ang huling airing ng La Luna Sangre at huwag ninyong palalampasin ang madugong ending nito, na inaasahang sa dulo ay kabutihan ang magwawagi sa laban.

Napapanood ang LLS, weeknights after “FPJ’s Ang Probinsyano” sa primetime bida sa ABS-CBN-2.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …